Sa dami ng mga naglalabasang uri ng vitamins sa merkado marahil marami sa atin ang tuliro na kung ano nga ba ang dapat natin na inumin at tunay na makatutulong sa atin at hindi magdudulot ng panganib sa ating kalusugan.
Isa ang Vitamin B complex sa mga bitamina na nais inumin ng karamihan dahil na rin sinasabing sagot ito sa nararamdamang pamamanhid ng mga kamay at pananakit ng mga joints lalo na sa mga matatanda ngunit ang malaking tanong ay gaano bang vitamin B complex ang kailangan ng ating katawan.
Ang vitamin B-complex ay inuturing na essential water-soluble vitamins kung saan kabilang dito ang thiamine (vitamin B1), riboflavin (vitamin B2), niacin (vitamin B3), pantothenic acid (vitamin B5), pyridoxine (vitamin B6), biotin, folic acid at vitamin B12.
Ang bawat miyembro ng B-complex ay may iba’t ibang unique structure at may mga unique functions sa ating katawan gaya ng Vitamins B1, B2, B3, at biotin na nakatutulong sa energy production, vitamin B6 para naman sa amino acid metabolism at vitamin B12 at folic acid para sa ating mga cells. Bagama’t ang bawat vitamins ay may dagdag na tulong sa ating katawan sinasabi ng mga eksperto na hindi kailangan na palagian tayong uminom ng B complex supplement lalo kung wala namang pagkukulang ang ating katawan sa nasabing mga bitamina.
Sinasabing nakatutulong ang Vitamin B complex para sa mabilis na metabolismo at pinapanatiling malusog ang ating nervous system at makinis ang balat ngunit ang sobrang Vitamin B complex ay may hatid din umanong side effects
Ang sobrang Thiamine (B1) ay maaaring magresulta para magkaroon tayo ng insomnia, heart palpitations, high blood pressure, sensitibong balat at madalas na pagkairita.
Samantala, ang sobrang Riboflavin (B2) ay maaaring magdulot ng fatigue, anemia, pagsusuka, mababang blood pressure at pagkahilo.
Ang sobrang Niacin (B3) ay magdudulot naman ng sakit sa ulo, pangangati ng balat at pagsusuka.
Ang sobrang Pantothenic Acid (B5) ay magdudulot naman ng pamamaga ng paa, pananakit ng mga joints, depresyon, dehydration at panghihina ng katawan.
Kung sobra naman sa Pyridoxine (B6) ay makakaranas umano ng pagkamanhid ng mga daliri, mood swings, depresyon at pananakit ng mga muscles.
Ang sobra namang Folic Acid (B9) ay posibleng maging dahilan para magkaroon ng kidney failure, pagkawala ng gana sa pagkain, pakiramdam na laging busog, pagkahilo at pagsusuka.
Kung sobra naman sa Cyanocobalamin (B12) ay makakaranas ng anxiety at pagkamanhid ng mukha at daliri.
Payo ng mga eksperto, bago uminom ng Vitamin B Complex ay magpasuri muna sa doktor kung mayroon nang pangangailangan para rito at kung kulang umano ng Vitamin B Complex ang ating katawan ay marapat na uminom ng supplement subalit kung hindi naman ay wala umanong dahilan para mangamba at hindi na kailangan na mag-take ng ganitong vitamins.
Kalimitan umano na ang pag-inom ng Vitamin B Complex ay inirerekomenda sa mga buntis, kung may history ng diabetes, stomach ulcer o liver problems.
“Vitamin B Complex are actually a good way to complement the low intake of the B vitamins. Try to follow a healthy diet with the right amount of natural sources of the Vitamin B rather than taking vitamin supplements and falling for the side effects of Vitamin B Complex,” payo pa ng mga eksperto.
Ang Vitamin B Complex umano ay maaaring makuha sa mga pagkain gaya ng liver, mga animal products, asparagus, broccoli, spinach, bananas, potatoes, dried apricots, gatas, itlog, keso, yoghurt, isda, brown rice at whole grain cereals.
- OoO -
No comments:
Post a Comment