1. Lose weight -- Ayon sa mga health expert, malaki ang naitutulong ng tubig sa pagpapapayat dahil na rin sa tumutulong ito na matunaw agad ang ating mga kinain at mailabas sa katawan. Nakakatulong din ang tubig upang hindi tayo agad magutom kung kaya’t kaunti lamang ang ating makakain. Zero calorie rin umano ang tubig.
2. Natural remedy sa sakit ng ulo -- Kung nakakaranas ng pananakit ng ulo at pananakit ng likod ay nakatutulong ang tubig.
3. Pampabata at makinis na kutis -- Kung sapat ang tubig sa ating katawan ay kasunod nito ang pagkakaroon ng makinis na balat dahil na rin sa moisturizing effect na hatid ng tubig.
4. Mas magiging productive -- Upang gumana nang husto ang ating utak ay kailangan ang tubig.
Sinasabing 90 porsyento ng ating utak ay binubuo ng tubig kaya’t ganito na lamang ang pangangailangan para sa tubig. Mas nakakapag-concentrate ang isang tao sa kanyang gawain at alerto ang kanyang isipan kapag hydrated ito.
5. Mas magandang pag-eehersisyo -- Ating mapapansin na kung hindi uminom ng tubig sa gitna ng pag-eehersisyo ay agad tayong manghihina dahil na rin sa ang tubig ang siyang nagpapaandar sa ating mga muscle kaya’t bago pa man simulan ang paboritong exercise ay ugaliing magdala ng tubig.
6. Nakakatulong sa constipation -- Kung may fiber man ang ating kinakain na nakakatulong sa constipation ay hindi pa rin ito sapat kung walang tubig, upang magkaroon ng regular na bowel movement ay kailangan ng fiber at tubig.
7. Mababawasan ang cramps at sprains -- Kung nananakit ang mga kasukasuan o ang mga joints ay indikasyon din ito ng pagkawala ng tubig sa katawan dahil ang tubig umano ang siyang tumutulong para ma-lubricate ang mga joints.
8. Iwas sakit -- Madalas nating marinig na dapat uminom ng tubig bago matulog upang makaiwas sa heart attack ngunit hindi lamang dito nakakatulong ang tubig, napapanatili rin nitong malusog ang ating mga kidney. Nakakatulong din ang tubig para lumakas ang ating immune system.
9. Pampawala ng fatigue -- Ang tubig ang ginagamit ng ating katawan para ilabas ang mga toxins at waste products, kung walang tubig ay mahihirapan din ang ating puso na mag-pump ng mabuti at kung magkaganito ay maaapektuhan ang iba pang mga vital organs.
10. Good mood -- Kung malusog ang ating pangangatawan ay kasunod naman nito ang pagiging masaya.
11. Iwas cancer -- Ayon sa pag-aaral, ang pag-inom ng wastong dami ng tubig sa araw-araw ay pandepensa para makaiwas sa sakit na cancer partikular ang bladder at colon cancer.
Lubhang mahalaga ang tubig sa katawan kaya’t huwag nang hintayin na mauhaw bago pa uminom ng tubig bagkus gawing regular at routine ang pag-inom ng tubig.
– OoO -
No comments:
Post a Comment