Thursday, November 17, 2011

Heartburn at GERD

“Huwag hihiga o uupo agad matapos kumain.”

Hindi maitatanggi na palagian na natin itong naririnig lalo na sa mga matatanda na madalas din natin lamang na binabalewala subalit ayon sa mga health experts hindi ito dapat na isnabin lamang dahil ang nasabing paalala ay may batayan, upang makaiwas umano sa sakit gaya ng heartburn at ang malalang kaso ng gastroesophageal reflux disease (GERD).

Pagkatapos kumain ay talaga namang masarap mahiga at matulog ngunit hindi umano dapat abusuhin ang katawan.Ang GERD ay isang kondisyon kung saan ang laman ng ating tiyan kasama na dito ang pagkain at ang liquid ay bumabalik pabalik mula sa ating tiyan patungo sa esophagus o ang tubo na konektado mula sa ating bibig patungo sa tiyan, sa ganitong insidente ay naiirita ang esophagus na nagbibigay daan para makaranas ng heartburn at iba pang sintomas gaya ng sobrang pananakit ng tiyan.
Kapag tayo ay kumakain ay dumadaan ang pagkain sa ating lalamunan sa tulong ng esophagus patungo sa tiyan, may mga muscle naman sa paligid ng ating tiyan na siyang tumutulong para maiwasan na bumalik ang pagkain, ang tawag sa nasabing muscle ay lower esophageal sphincter (LES), kung ang LES ay hindi naisasara ng mabuti ay magbibigay daan ito para mag-leak ang pagkain pabalik sa esophagus at ito naman ay tinatawag na ‘reflux’ or gastroesophageal reflux na kung madalas ang mararanasang ‘reflux’ ay maaari itong maging sanhi para masira ang ating esophagus.

Risk factors
Maliban sa biglaang paghiga matapos na kumain ay risk factors din para magkaroon ng reflux ang alcohol, ang Hiatal hernia o isang kondisyon kung saan ang bahagi ng tiyan ay gumagalaw patungo sa diaphragm, gayundin ang sobrang katabaan, pagbubuntis, paninigarilyo at epekto ng iniinom na gamot gaya ng mga gamot para sa Anticholinergics, Beta-blockers para sa mga may mataas na blood pressure o heart disease, Bronchodilators sa mga may asthma, calcium channel blockers, sedatives na karaniwang iniinom ng mga may insomnia at depression.Ayon sa mga health experts, kung nakakaranas ng heartburn dahil sa mga iniinom na gamot ay dapat na agad ikonsulta sa doktor.

Sintomas
Ilan sa sintomas ng heartburn at GERD ay pakiramdan na may nakabarang pagkain sa dibdib na mas lalong tumintindi pa kapag natapos kumain, humihiga o nagbe-bend gayundin ay mas matindi ang pakiramdam sa gabi at nawawala lamang kapag uminom ng antacid.Nakakaramdam din ng pagsusuka at hirap sa paghinga.Hindi naman agad dapat na sumailalim sa test kung paminsan-minsan lamang nakakaranas ng sintomas dahil maaari na kusa itong mawala sa pamamagitan lamang ng pag-iingat din sa pagkain ngunit kung araw-araw ang pananakit at apektado na ang pamumuhay ay dapat na magpatingin agad sa doktor at sumailalim sa Esophagogastroduodenoscopy (EGD) at maaari rin ang stool occult blood test na kung makikitang may dugo sa dumi ay indikasyon na may pagdurugo sa esophagus, sa tiyan o sa intestines.

Treatment
Upang makaiwas sa nasabing sakit ay dapat na baguhin ang lifestyle, pangunahin na rito ang pag-iwas sa mga pagkain na bawal gaya ng masyadong matataba at maaanghang. Kung nakakaranas ng acid reflux ay naka­tutulong ang mga nabibiling over-the-counter antacids na maaaring inumin pagkatapos na kumain o bago matulog.Kung mapapabayaan umano ang acid reflux ay maaari itong magbigay-daan sa mas matinding sakit o komplikasyon gaya ng asthma, Barrett’s esophagus o ang pagnipis ng lining ng esophagus na maaaring maging sanhi ng cancer, pagkakaroon ng problema sa ngipin, matinding pag-ubo at Esophageal ulcer.

Sakaling makaranas ng palagiang pagsusuka, pagdurugo, pagbaba ng timbang, kawalan ng ganang kumain, hirap sa paglunok at pakiramdam na busog na busog agad pagkakain ay dapat na kumonsulta agad sa doktor.

16 Tips vs GERD

1. Para iwas heartburn, dapat na limitahan ang pagkain ng mga acidic foods gaya ng grapefruit, orange, kamatis at suka.

2. Spicy foods.

3. Dapat ay magpalipas muna ng 2 hanggang tatlong oras bago mahiga pagkatapos na kumain.

4. Iwas sa mga fatty foods at greasy foods gaya ng French fries at mga burger.

5. Iwas din sa tsokolate, mint, citrus, paminta catsup at mustard.

6. Iwas din sa alcohol at pag-inom ng mga may caffeine at carbonated drinks.

7. Small meals lamang.

8. Iwas sa mga softdrinks.

9. Hinay-hinay lang sa pagkain, kapag mabilis umanong kumain ay mas hirap ang panunaw kaya’t mas delikado sa GERD.

10. Bawal din ang midnight snack.

11. Kung nakakaranas ng heartburn sa gabi ay maaari umano na kumain tatlo hanggang apat na oras bago ma­tulog.

12. Iwas stress dahil ang sobrang stress ay nagdudulot para magkaroon ng stomach acid.

13. Magbawas ng timbang.

14. Makatutulong din umano ang pagnguya ng bubble gum sa gabi kung nakakaranas ng heartburn dahil nakatutulong ito para madagdagan ang laway na magnu-neutralize sa acid sa tiyan.

15. Iwas sa paninigarilyo.

16. I-elevate ang ulo at dibdib sa pamamagitan ng paggamit ng mga wedge pillow o itaas ang kama sa pamamagitan ng paglalagay ng bricks sa paanan ng kama sa may ulunan.
– OoO –

Saturday, November 12, 2011

11 HEALTH BENEFITS NG PAG-INOM NG TUBIG

1. Lose weight -- Ayon sa mga health expert, malaki ang naitutulong ng tubig sa pagpapapayat dahil na rin sa tumutulong ito na matunaw agad ang ating mga kinain at mailabas sa katawan. Nakakatulong din ang tubig upang hindi tayo agad magutom kung kaya’t kaunti lamang ang ating makakain. Zero calorie rin umano ang tubig.

2. Natural remedy sa sakit ng ulo -- Kung nakakaranas ng pananakit ng ulo at pananakit ng likod ay nakatutulong ang tubig.

3. Pampabata at makinis na kutis -- Kung sapat ang tubig sa ating katawan ay kasunod nito ang pagkakaroon ng makinis na balat dahil na rin sa moisturizing effect na hatid ng tubig.

4. Mas magiging productive -- Upang gumana nang husto ang ating utak ay kailangan ang tubig.
Sinasabing 90 porsyento ng ating utak ay binubuo ng tubig kaya’t ganito na lamang ang pangangailangan para sa tubig. Mas nakakapag-concentrate ang isang tao sa kanyang gawain at alerto ang kanyang isipan kapag hydrated ito.

5. Mas magandang pag-eehersisyo -- Ating mapapansin na kung hindi uminom ng tubig sa gitna ng pag-eehersisyo ay agad tayong manghihina dahil na rin sa ang tubig ang siyang nagpapaandar sa ating mga muscle kaya’t bago pa man simulan ang paboritong exercise ay ugaliing magdala ng tubig.

6. Nakakatulong sa constipation -- Kung may fiber man ang ating kinakain na nakakatulong sa constipation ay hindi pa rin ito sapat kung walang tubig, upang magkaroon ng regular na bowel movement ay kailangan ng fiber at tubig.

7. Mababawasan ang cramps at sprains -- Kung nananakit ang mga kasukasuan o ang mga joints ay indikasyon din ito ng pagkawala ng tubig sa katawan dahil ang tubig umano ang siyang tumutulong para ma-lubricate ang mga joints.

8. Iwas sakit -- Madalas nating marinig na dapat uminom ng tubig bago matulog upang makaiwas sa heart attack ngunit hindi lamang dito nakakatulong ang tubig, napapanatili rin nitong malusog ang ating mga kidney. Nakakatulong din ang tubig para lumakas ang ating immune system.

9. Pampawala ng fatigue -- Ang tubig ang ginagamit ng ating katawan para ilabas ang mga toxins at waste products, kung walang tubig ay mahihirapan din ang ating puso na mag-pump ng mabuti at kung magkaganito ay maaapektuhan ang iba pang mga vital organs.

10. Good mood -- Kung malusog ang ating pangangatawan ay kasunod naman nito ang pagiging masaya.

11. Iwas cancer -- Ayon sa pag-aaral, ang pag-inom ng wastong dami ng tubig sa araw-araw ay pandepensa para makaiwas sa sakit na cancer partikular ang bladder at colon cancer. 

Lubhang mahalaga ang tubig sa katawan kaya’t huwag nang hintayin na mauhaw bago pa uminom ng tubig bagkus gawing regular at routine ang pag-inom ng tubig.
– OoO -

Thursday, November 10, 2011

Mahalaga ang tubig sa kalusugan

Mula pa pagkabata ay madalas na ang paalala ng ating mga magulang ng kahalagahan ng pag-inom ng tubig. Sa ating pagkabata madalas ay hindi natin pansin ang wastong pag-inom ng tubig subalit kapag nagkaka-edad ay mas lubos nating nauunawaan ang palagian nang paalala sa atin na uminom ng tubig ng walo hanggang 10 baso sa isang araw.

Ang ating katawan ay binubuo ng 55 hanggang 75 porsyento ng tubig, gaya ng langis na kailangan ng makina upang umandar ay gayundin naman ang silbi ng tubig sa ating katawan, kung walang tubig ay hindi ito gagana.

Lubhang mahalaga ang tubig sa tao, sa atin pa lamang paghinga ay
dalawa hanggang apat na baso na ng tubig ang kailangan para magkaroon ng normal na paghinga at mas marami pang tubig ang kailangan kung tayo ay may sipon o ubo. Kung pawisan naman ay isang baso muli ng tubig ang nawawala sa ating katawan at kung umiihi ng anim na beses kada araw ay katumbas naman ito ng pagkawala muli ng anim na basong tubig, kung nag-eehersisyo ay dalawang baso umano ng tubig ang nawawala naman.

Ayon sa mga health expert, kung mabawasan ng 10 porsyento ng tubig ang ating katawan ay maaari itong magresulta ng panghihina at pagkawala ng konsentras­yon habang ang wastong supply naman ng tubig ay makatutulong para makaiwas sa sakit sa bato, maayos na paglulubricate sa ating mga joints, pagkaiwas sa constipation at pag-iwas din sa ubo at sipon. 

Tubig Agad
Kadalasan ay nakakaramdam tayo ng pananakit ng ulo, pagkahilo, panghihina ng katawan o panunuyo ng bibig, payo ng mga doktor sa halip na inuman agad ng gamot ay mainam na uminom muna ng dalawang baso ng tubig dahil posibleng dala lamang ng dehydration ang ating nararamdaman, maaari naman na gawing indikasyon ng dehydration ang paninilaw ng ihi, dapat umano ay colorless ang ihi subalit kung matingkad ang pagka-dilaw nito ay mainam na bumawi agad sa tubig.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang pangangailangan sa tubig ng katawan ay nakadepende rin sa ating pangangailangan, kung madalas na magpawis o umihi marapat na palitan ito agad, inirerekomenda ng WHO na ang mga kalalakihan ay uminom ng tatlong litro ng tubig o nasa 13 baso ng tubig araw-araw habang sa mga kababaihan ay 2.2 litro o siyam na baso, ang rekomendasyon ng WHO ay batay sa isinagawa nitong national food surveys.

Sa mga mag-eehersisyo, payo ng health experts na bago pa man simulan ang exercise ay dapat na uminom agad ng dalawang baso ng tubig at habang nag-eehersisyo ay uminom din para mapalitan ang inilalabas na pawis subalit kung masyado umanong “intense” ang exercise gaya kung sasali sa mga marathon ay dapat umano ay uminom ng sports drink na may sodium upang mapalitan umano ang sodium na nawawala sa katawan dahil sa sobrang pagpapawis at pagod.

Wednesday, November 9, 2011

Fish oil para sa optimum health

Ang fish oil ay panlaban sa heart diseases, high cholesterol, depression, anxiety, AHDH, low immunity, cancer, diabetes, inflammation, arthritis, IBD, AIDS, Alzheimer’s disease, eye disorders, macular degeneration at ulcers. Malaking tulong ito sa weight loss, pagbubuntis, fertility at skin care (partikukar para sa disorders gaya ng psoriasis, acne).
- OoO -

Tuesday, November 8, 2011

Side effects ng bitamina

Sa dami ng mga naglalabasang uri ng vitamins sa merkado marahil marami sa atin  ang tuliro  na  kung  ano nga  ba ang dapat natin  na inumin at tunay na makatutulong sa atin at hindi magdudulot ng ­panganib sa ating kalusugan.

Isa ang Vitamin B complex sa mga bitamina na nais inumin ng karamihan dahil na rin sina­sabing sagot ito sa nararamdamang pamamanhid ng mga kamay at pananakit ng mga joints lalo na sa mga ­matatanda ngunit ang malaking tanong ay gaano bang vitamin B complex ang kailangan ng ating katawan.

Ang vitamin B-complex ay inuturing na essential water-soluble vitamins kung saan kabilang dito ang thiamine (vitamin B1), riboflavin (vitamin B2), niacin (vitamin B3), pantothenic acid (vitamin B5), pyridoxine (vitamin B6), biotin, folic acid at ­vitamin B12.

Ang bawat miyembro ng B-complex ay may iba’t ibang unique structure at may mga unique functions sa ating katawan gaya ng Vitamins B1, B2, B3, at biotin na nakatutulong sa energy production, vitamin B6 para naman sa amino acid metabolism at vitamin B12 at folic acid para sa ating mga cells. Bagama’t ang bawat vitamins ay may dagdag na tulong sa ating katawan sinasabi ng mga eksperto na hindi kailangan na palagian tayong uminom ng B complex supplement lalo kung wala namang pagkukulang ang ating katawan sa nasabing mga bitamina.

Sinasabing nakatutulong ang Vitamin B complex para sa mabilis na metabolismo at pinapanatiling malusog ang ating nervous system at makinis ang balat ngunit ang sobrang Vitamin B complex ay may hatid din umanong side effects

Ang sobrang Thiamine (B1) ay maaaring magresulta para magkaroon tayo ng insomnia, heart palpitations, high blood pressure, sensitibong balat at madalas na pagkairita.

Samantala, ang sobrang Riboflavin (B2) ay maaaring magdulot ng fatigue, anemia, pagsusuka, mababang blood pressure at pagkahilo.

Ang sobrang Niacin (B3) ay magdudulot naman ng sakit sa ulo, pangangati ng balat at pagsusuka.

Ang sobrang Pantothenic Acid (B5) ay magdudulot naman ng pamamaga ng paa, pananakit ng mga joints, depresyon, dehydration at panghihina ng katawan.

Kung sobra naman sa Pyridoxine (B6) ay makakaranas umano ng pagkamanhid ng mga daliri, mood swings, depresyon at pananakit ng mga muscles.

Ang sobra namang Folic Acid (B9) ay posibleng maging dahilan para magkaroon ng kidney failure, pagkawala ng gana sa pagkain, pakiramdam na laging busog, pagkahilo at pagsusuka.

Kung sobra naman sa Cyanocobalamin (B12) ay makakaranas ng anxiety at pagkamanhid ng mukha at daliri.

Payo ng mga eksperto, bago uminom ng Vitamin B Complex ay magpasuri muna sa doktor kung mayroon nang pangangailangan para rito at kung kulang umano ng Vitamin B Complex ang ating katawan ay marapat na uminom ng supplement subalit kung hindi naman ay wala umanong dahilan para mangamba at hindi na kailangan na mag-take ng ganitong vitamins.

Kalimitan umano na ang pag-inom ng Vitamin B Complex ay inirerekomenda sa mga buntis, kung may history ng diabetes, stomach ulcer o liver problems.
“Vitamin B Complex are actually a good way to complement the low intake of the B vitamins. Try to follow a healthy diet with the right amount of natural sources of the Vitamin B rather than taking vitamin supplements and falling for the side effects of Vitamin B Complex,” payo pa ng mga eksperto.

Ang Vitamin B Complex umano ay maaaring makuha sa mga pagkain gaya ng liver, mga animal products, asparagus, broccoli, spinach, bananas, potatoes, dried apricots, gatas, itlog, keso, yoghurt, isda, brown rice at whole grain cereals.
- OoO -

Monday, November 7, 2011

4 Delicious ways to fight arthritis

1. Bananas- Bananas are known for containing large amounts of potassium, bananas are even healthier than you might think.
According to Reader’s Digest, Vitamin B and C as well as folate are essential in the fight against arthritis, and bananas have them in large quantities. The best time to eat bananas is when they are fully ripened which means they have a very bright yellow peel. If plain banana isn’t your thing, try blending one with some other fruits and a little bit of milk to make yourself a great tasting shake that is packed with tons of arthritis fighting nutrients.

2. Sweet Peppers- Just one green pepper contains 176 percent of your daily requirement of Vitamin C. Yellow and red peppers have double that amount. They are also great sources of both folate and Vitamin B. And sweet peppers can be prepared in different ways to help compliment your meal. Keep peppers it in the fridge until you are ready to use them. Remove the seeds when preparing to cook.Roast or saute them with olive oil, salt, pepper and the herbs of your choice to bring out their flavor.

3. Cheese- The one thing all cheeses have in common is a good amount of folate and Vitamin B6, both essential in the fight against arthritis.

4. Green tea- Green tea has become popular in recent years because of reports that it contains powerful antioxidants known as polyphenols. These antioxidants are held in high regard for fighting cancer and heart disease, and according to Reader’s Digest, they are currently being tested as a deterrent for rheumatoid arthritis.
- OoO -

Sunday, November 6, 2011

Natural Sleeping Pills


Have difficulty sleeping

1. Bananas -- They contain soothing melatonin, serotonin, and magnesium which is a muscle relaxant.

2. Warm milk --  Milk has some tryptophan, an amino acid that has a sedative-like effect, and calcium, which helps the brain use tryptophan to make you sleepy.

3. Honey -- Drizzle a little in your warm milk or herb tea.  Although honey has  sugar, honey has chemicals that tell your brain to turn off orexin. Turning off orexin in your brain helps sedate you.

4. Oatmeal -- Oats are a rich source of  melatonin ( a chemical that triggers drowsiness). Oatmeal is also a great way to fill your stomach so take it over an hour before dinner.

5. Bread- Bread, preferably whole wheat bread, allows the chemical  tryptophan to get to your brain, where it’s converted to serotonin and sends the message to the rest of your body that it is sleeping time.
- OoO -